Tagalog Comment on Philippine E-VAT

Ang implementasyon ng Republic Act 9337 o Expanded Value-Added Tax Law ay ipatutupad na sang-yon sa aprobal ng Korte Suprema.

Sa paliwanag ng economic managers ng Pangulo, kinakailangan ang tactical recalibration sa nasabing batas upang hindi masakal ang mga ordinaryong mamamayan at ipaunawa sa kanilla ang bagong porma ng pagbubuwis sa bansa.

Laman sa mungkahi ng economic managers ang pagpapaliban ng pagpapataw ng E-VAT sa mga produktong petrolyo at kuryente ng hanggang June 2006 upang hindi maipit ng husto sa mabigat na pasaning-pinsnsyal ang sambayanan.

Pinag-iisipang mabuti ang mungkahing ito bagama’t unpopular move ito para sa mga foreign creditors. Base sa kuwenta ni Albay Rep. Joey Salceda aabot lamang sa P22-bilyon ang kikitain na buwis ng pamahalaan sa kasalukuyang taon kapag ipinatupad na ang E-VAT Law sa petrolyo at kuryente. Ito’y malayo kumpara sa P77-bilyon na target para sa 2005.

Epekto ng E-VAT sa Mahihirap na Sector ng Lipunan

Oras na ipataw ang buwis sa langis at kuryente, tiyak na lolobo ng husto ang presyo nito na makakaapekto lalo’t higit sa mahihirap na sector ng lipunan.

Oras na umariba ang ganitong senaryo ay hihingi tiyak ngdagdag na umento ang mga manggagawaa upang makaagapay sa kanilang araw-araw na panggastos. Chain reaction ang susunod na eksana dito at tataas din ang halaga ng iba pang mga produkto st serbisyo.

Hindi makitid ang pang-unawa ng Punong Ehekutibo sa mga ganitong bagay. Binibigyan ng Executive branch ng pagkakataoan ang lahat ng sector na masuri ang kanilang posisyon sa ilang mga major issues sa loob ng administrasyong Arroyo.

Leave a Reply